LONDON (AP)— Balik numero uno si Roger Federer sa ATP rankings, isang linggo mula nang maagaw ni Rafael Nadal.

Roger Federer (AP Photo/Dita Alangkara, File)

Roger Federer (AP Photo/Dita Alangkara, File)

Muling nakuha ni Federer ang No.1 ranking nang magwagi sa grass-court tournament sa Stuttgart, Germany.

Nakamit ni Nadal ang No. 1 ranking matapos ang pagsungkit sa ika-11 French Open title.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Ito ang ikalimang pagkakataon na nagpalitan ang dalawa sa top ranking a loob ng isang season. Ang record para sa pinakamaraming pagkakataon na nagpalitan sa No.1 sina John McEnroe, Jimmy Connors at Ivan Lendl noong 1983.

Naitala ni Federer ang record-extending 310th week bilang No.1.