IPALALABAS sa Broadway sa 2020 ang musical na inspired sa buhay ng yumaong pop singer na si Michael Jackson, ayon sa kampo ng legendary singer nitong Martes.

Michael copy

Ang istorya ay isusulat ni Pulitzer Prize-winner Lynn Nottage, ayon sa pahayag mula sa estate ng Thriller at ng Columbia Live Stage, ang co-developer ng untitled production.

Tampok sa show ang mga hit songs ni Michael.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Kilala bilang King of Pop, pumanaw si Michael sa edad na 50 noong 2009, dahil sa pagkaka-overdose ng anesthetic propofol at sedatives.

Una nang nakipagtrabaho ang kanyang estate sa live tribute show na ginawa ng Cirque du Solei,l na tinawag na Michael Jackson One, na ipinalalabas sa Las Vegas simula pa noong 2013.

Pinasikat ni Michael ang mga awiting ABC at I’ll Be There bilang child singer kasama ang kanyang mga kapatid para sa Jackson Five. Kalaunan, ipinursige niya ang solo career, kung saan siya nakilala sa buong mundo, sa mga kantang Rock With You, Bad at Beat It.

-Reuters