Dumiretso sa presinto ang isang taxi driver upang i-report ang panghoholdap sa kanya ng dalawa niyang pasahero sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Reny Rebulyeto, 48, ng Antipolo City, tinangay ng mga holdaper ang kanyang P5,000 kita pati na ang kanyang cell phone.

Kuwento n i Rebulyeto, ipinamamasada niya ang Cord taxi (UVF-310) nang parahin siya ng mga suspek sa Farmers, Cubao, Quezon City at nagpahatid sa Caloocan City, dakong 4:00 ng madaling araw.

“Isinakay ko na kasi mukha namang mga disente at bukod doon pagarahe na rin ako,” ani Rebulyeto.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Pagsapit sa eskinita ng Barangay 139, Caloocan City, bigla umanong tinutukan ng patalim ng mga suspek ang biktima at nagdeklara ng holdap.

Wala nang nagawa si Rebulyeto at ibinigay na lamang ang kanyang kita at cell phone.

“Wala nang boundary, wala pang kita. Itong mga walanghiyang holdaper dapat ‘yung may pera ang holdapin nila hindi kaming mga nagpapakahirap na kumita para may makain lang ang pamilya,” hinaing ng biktima.

-Orly L. Barcala