SARANSK, Russia (AP)— Umukit ng kasaysayan ang Japan bilang kauna-unahang Asian team na nagwagi laban sa South American squad sa World Cup — pinakamalaking torneo sa mundo ng soccer.

GINAMIT ni Gen Shoji ng Japan ang ulo para makontrol ang opensa laban kay Radamel Falcao ng Colombia sa kainitan ng kanilang laro sa World Cup sa Mordavia Arena. (AP)

GINAMIT ni Gen Shoji ng Japan ang ulo para makontrol ang opensa laban kay Radamel Falcao ng Colombia sa kainitan ng kanilang laro sa World Cup sa Mordavia Arena. (AP)

Nasopresa ng Japan ang Colombia at ang milyong tagahanga ng sports sa mundo nang maitarak ang 2-1 panalo nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Nakaugos ang Japan nang magtamo ng malaking turnover si Colombian midfielder Carlos Sanchez sa ikatlong minuto ng laro na naging dahilan para mabigyan siya ng red card at penalty shot para sa Japan. Ang red card ni Sanchez ang ikalawang pinakamabilis na penalty sa kasaysayan ng World Cup at kauna-unahan sa torneo sa kasalukuyan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanaig si Yuya Osako sa agawan sa bola na naging daan sa red card at penalty. Hinarang ni Sanchez ang tira ni Shinji Kagawa nang kanang kamay dahila para mapatalsik siya sa laro. Naisalpak ni Kagawa ang penalty.

Nakabawi ang Colombia sa huling minuto ng first half mula sa free kick ni Juan Quintero. Ngunit, muling nakaiskor ang Japan mula kay Osako sa ika-73 minuto para makamit ng Japan ang tatlong puntos sa Group H.

“He played well in Germany this season,” pahayag ni Honda patungkol sa kasanggang naglalaro sa Werder Bremen. “He also couldn’t score last World Cup and I knew he really wanted to score this game. I’m happy he scored.”

Bunsod ng panalo, ang nahila ng Japan ang sopresang upset win sa World Cup, matapos ang panalo ng Mexico, Switzerland at Iceland kontra sa liyamadong mga karibal.

Sunod na makakaharap ng Japan ang Senegal sa Linggo (Lunes sa Manila) sa Yekaterinburg, habang mapapalaban ang Colombia sa Poland sa Kazan.