Standings          W L

BanKo-Perlas        2 0

Petro Gazz              2 1

Pocari Sweat-PAF 2 1

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

BaliPure-NU          1 1

Iriga-Navy              1 2

Tacloban                0 3

Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

1:00 n.h. -- Air Force vs IEM (men’s)

4:00 n.h. -- BaliPure vs Pocari-Air Force

6:00 n.g. -- Iriga-Navy vs BanKo-Perlas

MAKALAPIT sa inaasam na semifinals berth ang tatangkain ng Banko Perlas sa pagpuntirya ng ikatlong sunod na panalo sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference quarterfinals sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Makakatunggali ng Perlas Spikers, nalabing undefeated team sa 6-team single round quarterfinal round, ang Iriga-Navy sa tampok na laro ngayong 6:00 ng gabi.

Mauuna rito, maghaharap para sa solong laro sa men’s quarterfinals ang Air Force at ang Instituto Esthetico Manila ganap na 1:00 ng hapon na susundan ng unang laro sa women’s division sa pagitan ng BaliPure at Pocari-Air Force ganap na 4:00 ng hapon.

“Dahan-dahan, nagje-jell na ang players. Problema namin dati, import at setter di nagkakaintindihan. Ngayon okay na connection nila, nakakapalo na ng maayos yung import namin,” ani Dela Cruz matapos nilang talunin ang defending champion Pocari sa nakaraang laro.

Muling inaasahan ni De la Cruz na mamumuno sa Perlas Spikers sina import Kia Bright at Jutarat Montripilla na umaasa naman ng patuloy na suporta mula sa kanilang mga locals.

Kapwa naman galing sa talo, mag-uunahang makabalik sa winning track ang Purest Water Defenders (1-1) at Lady Warriors (1-2) sa kanilang pagtatapat ganap na 4:00 ng hapon.

-Marivic Awitan