Mahigit 20 pasahero ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan, kabilang ang dalawang bus, sa Makati City, kahapon ng umaga.

Isinugod sa magkakahiwalay na ospital ang mga biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat ng Southern Police District (SPD), naganap ang karambola sa southbound Magallanes loading bay, San Lorenzo, sa Makati City, bandang 6:05 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, kabilang sa karambola ang isang Mitsubishi Mirage G4 (ACM 4149), na minamaneho ni Arnante Aguilar Alfonso; TSC bus, na minamaneho ni Edwin Jose Alfaro; at Joyselle Express bus (TXD328), na minamaneho naman ni Fruto Abanes Avila.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sinasabing nawalan ng kontrol sa manibela si Manibela dahilan upang mabangga nito ang TSC bus.

Nagpatuloy sa pag-andar ang Joyselle bus hanggang sa mabangga rin nito ang harapan at dulong bahagi ng Mitsubishi Mirage.

Tinumbok ng Joyselle bus ang steel railings bago sumalpok sa konkretong firewall fence ng San Lorenzo Village.

Agad rumesponde ang Makati Rescue Team at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at isinugod ang mga biktima sa ospital.

-Bella Gamotea