Ipapalabasang road trip adventure comedy film na Si Chedeng At Si Apple na pinagbibidahan nina Gloria Diaz at Elizabeth Oropesa simula Hunyo 22 (Biyernes) sa mga piling sinehan bilang pagdiriwang ng Cine Lokal ng LGBT month.

Elizabeth at Gloria copy

Bahagi ang Cinema One Originals entry, kasama ang iba pang award-winning movies, ng PelikuLAYA sa Cine Lokal: An LGBT Film Festival, na pinangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang LGBTQ organizations.

Ang Si Chedeng At Si Apple ang reunion project ng dalawa sa pinakamagagandang aktres ng Philippine cinema. Unang nagsama ang 1969 Miss Universe na si Gloria at ang 1999 grand slam best actress na si La Oropesa sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1974.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Dadalhin ng kanilang bonggang kombinasyon ang mga manonood sa isang pambihirang kwento na umiikot sa pagkakaibigan, pagkilala sa sarili, at paghahanap sa tunay na pagmamahal. Dalawang may edad na babae ang biglaang nagkasala matapos na magdesisyon si Chedeng (Gloria) na hanapin ang kanyang ex-girlfriend pagpanaw ng kanyang asawa at pugutan ni Apple (Elizabeth) ang kanyang live-in partner. Nag-road trip sila nang magkasama at dito na magsisimula ang kanilang mga kwelang karanasan.

Idinirek nina Fatrick Tabada at Rae Red ang Si Chedeng At Si Apple. Unang nakilala si Fatrick bilang screenwriter ngPatay Na Si Hesus, habang si Rae naman ang isa sa mga sumulat ng pelikulang Birdshot.

Siguradong makaka-relate ang iba’t ibang uri ng manonood sa tema ng pelikula. Ayon sa mga direktor nito, ito ay tungkol sa kalayaan mula sa mga bagay na nais takasan, at pakikipaglaban para sa sarili at mga kagustuhan. Handog din nito ang nakakatuwang kwento ng pagtanggap sa sariling sexual orientation.

“Riotously funny” ang pelikula na tungkol sa pagkakaibigan, pag-ibig, at tungkulin, ayon naman sa review ni Megan Purdy ng international film site na msenscene.com. Ito aniya ay isang “refereshing film” tungkol sa mga nakatatandang kababaihan na natututong mabuhay para sa sarili at muling nakikita ang kahalagahan ng pagkakaibigan.

Pinuri naman ni Hayley Scanlon of windowsonworlds.com ang pagganap ng mga bida nito. Ayon sa kanyang review, matinik ang mga sagutan ng dalawa na nagbibigay ng makatotohanang kwento.

Nagkaroon ito ng international premiere sa 20th Far East Film Festival na ginanap sa Udine, Italy noong Abril. Ipinalabas rin ito sa kakatapos lang na Seattle International Film Festival, at muling mapapanood sa 2018 San Francisco International LGBT Film Festival ng Frameline ngayong buwan.

Sa nakaraang Cinema One Originals, nasungkit ng Si Chedeng At Si Apple ang best supporting actress award para kay Mae Paner at tumanggap din ito ng special jury citation.

Nominado naman ang mga bida nito na sina Gloria at Elizabeth sa Gawad Urian 2018. Nakatanggap din ng best actress nomination si Gloria sa 66th Famas Awards na ginanap kamakailan.

Panoorin ang Si Chedeng At Si Apple sa Cine Lokal sa SM Manila, SM Sta. Mesa, SM Mall of Asia, SM Megamall, SM North Edsa, SM Fairview, SM Southmall, at sa SM Bacoor simula Hunyo 22 hang­gang 28. Para sa up­dates, i-follow ang @abscbnpr sa Fa­cebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.ab­scbnpr.com