NAG-POST agad ng kanyang Instagram story si Julie Anne San Jose, right after ng concert nilang #3Stars1HeartDubai sa Dubai World Trade Centre last Saturday, June 16.

Christian, Regine at Julie Anne copy

Produced by GMA Pinoy TV at ng kanilang partner carrier ang @osn, ang 3 Stars 1 Heart ay may head na “One For The Book” dahil nga full-packed ang venue, kung saan kasamang nagtanghal ng Asia’s Pop Sweetheart sina Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.

Nagtapos nga ang concert sa pagkanta nilang tatlo ng most famous Pinoy alternative rock songs of all time.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Tama si Regine nang makausap namin noon sa presscon, kapag nagpe-perform ang Filipino artists abroad ay kailangang more on OPM (Original Pilipino Music) ang kakantahin nila. Iyon kasi ang hinahanap ng mga kababayan natin, lalo na iyong matagal nang nagtatrabaho sa ibang bansa. Kaya nagdagdag sila ng OPM songs sa repertoire nila ng first two concerts nila sa Cebu at Dagupan.

Habang kumakanta ang tatlo ay nagtayuan at nakisayaw sa kanila ang audience. Hindi ito maikakaila sa video, na taliwas sa sinabi ng ilang bashers na wala raw nanood sa concert.

Kahit ang Universal Records ay very proud na nag-post sa kanilang Twitter na @ universalrecordsph na very successful ang concert. Si Christian ay matagal nang Universal Records artist, habang bago naman nilang recording artist si Julie Anne. Matatandaang nag-post pa ang Universal Records ng “her new single #TayongDalawa drops this Friday (June 22)” para kay Julie Anne.

Nag-post din ang @GMAPinoyTV ng pictures nina Regine, Christian at Julie Anne kasama ang fans sa meet and greet after the concert. It seems na walang kapaguran ang tatlo, dahil na rin sa tuwa, dahil pagdating pa lang nila sa Dubai ay non-stop na ang activities nila, gaya ng courtesy call kasama ang ilang GMA executives from Manila at executives ng GMA International doon, gayundin kasama si Consul General Paul Raymund Cortez sa Philippine Consulate in Dubai.

-NORA V. CALDERON