Walang Pilipino ang iniulat na kabilang sa mga nasawi sa pagtama ng lindol sa kanluran ng Japan kahapon ng umaga, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa DFA, mayroong 16,295 Pinoy sa Kansai area ng Osaka, ang sentro ng magnitude 6.1 na lindol na ikinamatay ng tatlong katao at ikinasugat ng mahigit 200 iba pa.

Pinayuhan na ng Philippine consulate sa Osaka ang mga miyembro ng Filipino Community sa prefectures ng Osaka, Hyogo, Nara, at Shiga na maging alerto sa aftershocks at umiwas muna sa hindi mahahalagang biyahe.

“We express our condolences to the Government of Japan over the loss of lives in this morning’s earthquake in the Kansai Region,” saad sa pahayag ng DFA.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

-Roy C. Mabasa