Umaasa ang Malacañang na tatantanan na ng publiko ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) kasabay ng pagtitiyak na natuto na ang ahensiya sa mga pagkakamali nito.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ulanin ng batikos ang PCOO sa dalawang maling posts sa social media nitong nakaraang linggo.

Nitong Huwebes ng gabi, tinukoy ng PCOO ang Norway bilang “Norwegia,” at nang sumunod na araw ay tinawag na “Rogelio Golez” ang namayapang si National Security Adviser Roilo Golez.

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Roque na batid niyang hindi ito ang unang pagkakataon na nakagawa ng mga pagkakamali ang PCOO sa mismong larangan ng komunikasyon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Let he who has not erred cast the first stone. This may not be the first but come on, let’s give them slack,” aniya kahapon.

Sinabi ni Roque na nauunawaan niya kung bakit matindi ang pagbatikos ng publiko sa PCOO dahil ito ang ahensiya na dapat ay epektibo sa pakikipagkomunikasyon.

“Naintindihan naman natin ang frustration ng taumbayan. Pero I’m sure po that they will learn again from this experience in the same way that they have learned from the experiences from the past,” aniya.

Nagsuhestiyon si Roque na pagbutihin ng PCOO ang spellchecking capabilities nito para maiwasan ang mga pagkakamali sa hinaharap.

“Sana lang mas pataasin pa ang kanilang spell check,” aniya pa.

-Argyll Cyrus B. Geducos