Hindi pa pinal ang panukalang pag-aarmas sa mga kapitan ng barangay para malabanan ang krimen at ilegal na droga, nilinaw ng Malacañang kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na pinag-aaralan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang bigyan ng baril ang mga kapitan ng barangay para maiwasan ang posibilidad na maarmasan ang mga tiwaling opisyal ng barangay.

“Hindi pa pinal. Pinag-aaralan pa ‘yan ng ating Presidente,” ani Roque sa press briefing sa Palasyo.

“Hindi pa nai-implement ni Presidente ‘yan at ikukunsidera ni Presidente syempre ‘yung kabilang aspeto naman, the other side of that equation and that is naku, kapag naarmasan ang narco list na mga barangay officials ay siyempre lalo sila magiging mas makapangyarihan,” dugtong niya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Gayunman, sinabi ni Roque na nilinaw ng Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroong legal na batayan ang posibilidad ng pag-aarmas sa mga barangay chairman.

Sinabi niya na pinahihintulutan ng Section 387 ng Local Government Code ang pagbibigay ng baril sa mga opisyal ng barangay alinsunod sa requirements ng pulisya.

Naniniwala si Roque na nasa “discretion” ng Philippine National Police (PNP) ang pagbibigay ng lisensiya sa baril at permit-to- carry sa mga aplikante.

“Hindi naman siguro lahat. Kung mayroong bad record ‘yan, hindi mabibigyan,” aniya.

-GENALYN D. KABILING