Inaasahang darating ngayong Martes sa bansa ang labi ng overseas Filipino worker (OFW) na si Henry John Acorda y Serafica, na pinatay sa bugbog ng isang Slovak sa Bratislava, Slovakia nitong Mayo.

Ayon sa DFA, isinakay sa isang eroplano ng Slovakia government mula sa Bratislava ang labi ni Acorda, at inasahang darating sa Maynila dakong 11:00 ng umaga ngayong Martes.

Kasama sa eroplano ang ina at dalawang kapatid ni Acorda, pabalik sa bansa.

Unang nangako si Slovakian Prime Minister Peter Pelligrini na bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ni Acorda.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Inialok din ni Interior Minister Denisa Saková sa pamilya ni Acorda na gamitin ang eroplano ng Interior Ministry sa pagpapauwi sa labi ng OFW, gayundin sa pagpoproseso ng kailangang mga dokumento.

-Bella Gamotea