Nagbabala ang isang non-profit environmental and health organization sa publiko sa pagbili ng mga hindi rehistradong wet wipes dahil nagtataglay ang mga ito ng ipinagbabawal na preservatives, na maaaring magdulot ng allergic reactions.

Ito ang babala ng grupong EcoWaste Coalition matapos madiskubre na ang ilang wet wipes sa merkado ay may sangkap na methylchloroisothiazoli none at methylisothiazolinone (MCI/MIT), mga chemical preservatives na ipinagbabawal sa mga leave-on cosmetic products tulad ng wet wipes.

Nitong Linggo, Hunyo 17, bumili ang grupo ng mga hindi rehistradong baby wipes mula sa 168, 999 at Lucky Chinatown shopping mall sa Maynila, at nang suriin ay natuklasan na nagtataglay ang mga ito ng mga ipinagbabawal na kemikal.

“Our test buys show that imported baby wipes sold for as low as P20 per pack contain these chemical preservatives that are associated with allergic reactions such as skin rashes,” ani Thony Dizon, Chemical Safety Campaigner ng EcoWaste Coalition.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

-Mary Ann Santiago