HABANG naghihintay kami sa pila sa Nacho Bimby and Potato Corner sa Gateway Mall ay nakasabay namin ang isang grupo na nagkukuwentuhan tungkol sa isang magandang aktres na nakatrabaho nila sa isang movie project.

Hindi pamilyar sa amin ang grupo, pero sa tingin namin ay mga stylist sila. Dahil na rin sa takbo ng usapan nila at sa mga porma nila—‘yung isa ay nakasuot ng fatigue oversized jacket, makulay ang disenyo ng hoodie ng dalawa sa kanila, habang ang dalawa pa ay parehong naka-bomber jacket na pula at orange.

Nu’ng una ay dedma kami dahil hindi pa naman nila binabanggit ang pangalan, hanggang sa narinig na nga namin ang name ng magandang aktres, na talagang nilalait nila dahil sa hindi raw magandang ugali nito.

Narinig kong usapan ng grupo: “Sobrang plastikada ang lola mo, ‘day. Hindi lang halata dahil laging naka-smile kapag may tao. Kapag kausap mo na, nanlalaki na ang mga mata. Feeling magaling, eh, magaling pala siya, bakit ang baduy niya?”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

H i r i t ng naka-o v e r s i z e d j a c k e t : “Hindi kasi proportion ang katawan niya, kaya mahirap siyang damitan. Face lang ang maganda, dedma na sa body.”

Ayon s a kuwentuhan nila, masyado raw maarte ang magandang aktres dahil inaamoy-amoy ang mga damit bago isuot. Tinatanong din kung may nauna nang nagsuot kahit pa sinabi nang bagong bili ang damit, dahil may tarheta pa at ipinakita pa sa kanya ang resibo.

Hirit ng nakasuot ng orange na bomber jacket: “Kung hindi lang nakiusap ang direktor (ng pelikula), hindi ko kukunin ‘yung project, ang baba ng bayad.”

“Kikita kaya ang movie ng lola mo? May kumita na ba siya?” chorus na sabi ng grupo, na sila-sila ay nagkagulatan sa iisa nilang tanong.

Base rin sa narinig naming usapan ay tapos na ang shooting ng pelikula, pero hindi naman binanggit kung kailan ito ipalalabas.

-Reggee Bonoan