BEIJING/SEOUL (Reuters) – Dumating si North Korean leader Kim Jong Unsa Beijing kahapon, kung saan inaasahang makakapulong niya si Chinese President Xi Jinping isang linggo matapos ang summit niya kay U.S. President Donald Trump sa Singapore. Kasabay nito ay nagkasundo ang Washington at Seoul na itigil ang joint military exercise.

Ito na ang pangatlong pagbisita ni Kim sa China ngayong taon.

Sa hindi pangkaraniwang hakbang, ipinahayag ng Chinese state media ang pagbisita ni Kim at sinabing mananatili siya ng dalawang araw. Ang naunang nitong pagbisita sa China ay kinumpirma lamang matapos umalis ng bansa si Kim. Walang ibinigay na mga detalye.

Ikinatuwa ng Beijing ang suspensiyon ng military drills ng US at SoKor.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“South Korea and the United States have agreed to suspend all planning activities regarding the Freedom Guardian military drill scheduled for August,” ipinahayag ng South Korean defense ministry.