Pinayagan ng Department of Justice (DoJ) na manatili sa bansa ang madreng Australian na si Sister Patricia Fox hanggang hindi pa nareresolba ang kaso nito.

Sister Fox

Sister Fox

Kahapon, naglabas ng resolusyon ang DoJ na nagpapahintulot sa iniharap na petition for review ni Fox na humihiling sa Bureau of Immigration (BI) na ibasura ang pagpapawalang-bisa ng ahensiya sa missionary visa ng dayuhan.

Idinahilan ni DoJ Secretary Menardo Guevarra na wala sa kapangyarihan ng DoJ ang pagresolba sa kinakaharap na visa forfeiture case ni Fox.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

“Our existing laws outline what the BI can do to foreigners and their papers—including visas—when they commit certain acts within Philippine territory. What the BI did in this case is beyond what the law provides, that is why it has to be struck down,” pahayag ni Guevarra.

Abril 23 nang pawalang-bisa ng BI ang missionary visa ni Fox, at tinaningan ang pananatili nito sa Pilipinas.

-Jeffrey Damicog