SA ikalawang sunod na pagkakataon ngayong season, na-trade sa bagong koponan ang 10-year PBA veteran na si Jeff Chan.

Mula sa Phoenix, bahagi na ang dating Far Eastern University standout, ng Barangay Ginebra para sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.

Kapalit ng 6-foot-2 shooter na tubong Bacolod ang first round pick ng Kings sa darating na 2018 Rookie Draft.

Nangyari ang sorpresang trade kasunod ng four-game losing skid ng Fuel Masters na nagbagsak sa kanila sa markang 3-6.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nauna nang na-trade si Chan sa Phoenix mula sa Rain or Shine noong Agosto 2017.

Magkasunod sa kasalukuyan ang Barangay Ginebra at ang Phoenix sa standings kung saan bahagyang nakakalamang ang una taglay ang barahang 3-5.

Inaasahang malaking tulong para sa Kings ang dating Gilas Pilipinas standout bilang isang kilalang sniper upang mas magkaroon ng ibang option sa kanilang opensa at makaporma ang mga slotman na sina Greg Slaughter at Japeth Aguilar.

Nagpaalamat naman si Chan sa management ng Phoenix, ngunit inamin niyang nagulat siya sa kaganapan ng pangyayari,

“Kinausap ako ni coach Louie and sinabi niya na natuloy na rin yung trade,” pahayag ni Chan.

“Siyempre nagulat pa rin ako. Natural na reaksiyon pa rin ng isang player yun.”

“Kaya nung sinabihan ako na hindi na ako magpa-practice, pumunta na lang ako sa team at nagpaalam, sa mga teammates ko, sa utility, sa coaching staff,” aniya.

-Marivic Awitan