SYDNEY (AFP) – Nangako ang Australia nitong Martes na magkaloob ng mas magandang pagpopondo sa mga bansa sa Pacific para kontrahin ang development money ng China na pinangangambahan nitong ibabaon sa utang ang maraming bansa at makokompromiso ang kanilang sovereignty.

Dumarami ang mga proyekto na itinatayo sa rehiyon sa pamamagitanng signature infrastructure-building ng China na Belt and Road Initiative (BRI) at nababahala ang Canberra na maaarin maipit ang ilang maliliit na bansa sa hindi mababayarang utang, na magbibigay ng impluwensiya sa Beijing.

Sinabi ni Foreign Minister Julie Bishop na nais niyang tiyakin na mayroong alternatibong opsiyon ang mga katabing bansa sa kalimitan ay madayang pagpopondo mula sa China, na ayon sa Australia ay maaaring magkaroon ng unfavourable terms.

‘’They are sovereign nations,’’ aniya sa Sydney Morning Herald. ‘’We want to ensure that they retain their sovereignty, that they have sustainable economies and that they are not trapped into unsustainable debt outcomes.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

‘’The trap can then be a debt-for-equity swap and they have lost their sovereignty.’’

Ang ganitong swaps ay nasaksihan saanmang panig ng mundo kabilang sa Sri Lanka, kung saan kinuha ng China ang kontrol sa malaking deep-sea port noong nakaraang taon sa 99-taong paupa matapos hindi makabayad ng utang ang gobyerno.

Nagbunsod ito ng mga pangamba na nagtatayo ang China ng network of strategic assets na maaaring gawing military facilities sa hinaharap.