TAPOS na ang royal wedding, ngunit ang drama tungkol sa pamilya ni Meghan Markle ay nagsisimula pa lang mag-init.
Ibinunyag ng ama ni Markle, si Thomas Markle, sa panayam ng isang British TV show nitong Lunes, ang mga political belief ni Prince Harry, at hindi ito maganda, ayon sa ulat ng Yahoo Entertainment.
Matatandaang naging usap-usapan ang ama ng Duchess of Sussex sa linggo ng kasal ng royal couple nang umamin siyang pineke niya ang paparazzi photos. Sumailalim din siya sa heart surgery, ilang araw na lamang bago ang kasal.
Nagdesisyon si Thomas na hindi dumalo sa kasal ng anak at hindi niya ihatid ang noon ay royal bride sa altar. Sa kanyang unang interview simula nang maganap ang wedding, naging emosyonal si Thomas sa Good Morning Britain dahil hindi siya nakadalo sa big day ng anak.
“Watching it was difficult for me, because I wasn’t there, but at the same time … I couldn’t have been more proud,” sabi niya sa ITV program.
Gayunman, nabaling ang pag-uusap sa usapang pulitika nang ibahagi ni Thomas ang unang pag-uusap nila ng noon ay fiancé ng anak, si Prince Harry. At surprisingly, napag-usapan nila si President Donald Trump.
“I’ve always had a bad attitude about Donald Trump, and that’s never gonna change,” sabi ni Thomas. “All Harry actually did was say, because Trump was news, he said, ‘Give him a chance.’ I think Harry’s probably changed his mind by now.”
Dahil dito ay tinanong ng host na si Piers Morgan si Thomas tungkol sa pananaw ni Prince Harry tungkol sa Brexit, ang kontrobersyal na desisyon ng U.K. noong 2016 na tumiwalag sa European Union.
“He said he was open to it,” isiniwalat ni Thomas ang opinyon ni Prince Harry. “He didn’t know one way or the other; he was just saying he had to be open to it and see how it went.”
Kaagad namang pinag-usapan sa Internet ang political details ng interview ni Thomas at hati ang opinyon ng netizens. Ilan ang nagsabi na masyado raw umanong maraming naibahagi si Thomas, habang ang iba naman ay naniniwalang na-set-up siya ng Good Morning Britain. At marami ang sumang-ayon na hindi ito magugustuhan ng royal family.
Ayon kay TheZumanity, “Poor Meghan! Her family doesn’t know how to shut the F up! I think Thomas went too far, why tell the press about Harrys personal opinion? like it really matters (if it’s true). I bet the royal family is doing damage check right now and Meghan to tell her dad to shut up.”
“Was sympathetic towards Thomas Markle at first. But this shows he’s just attention seeking, he knows revealing Harry’s alleged political opinions is going to cause controversy. Guarantee he will have a book out within 6 months. #gmb,” post naman ni Callum Troup.
Ayon naman sa netizen na si Victoria Arbiter, “In my opinion Thomas Markle doesn’t offer up anything controversial of ‘troubling’ for the palace in his interview with @GMB, but he does further prove that certain members of Meghan’s family are a liability & I imagine she’s sorely disappointed yet again.