MAGDIRIWANG ng ika-20 taon sa industriya ng musika ang phenomenal Pinoy band na Aegis sa pamamagitan ng isang malaking concert na pinamagatang AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo sa Hulyo 13 sa Araneta Coliseum.
Kaabang-abang ang show dahil tampok dito ang ilan sa bigating love ballads na naging paborito ng mga Pinoy sa karaoke at videoke tulad ng Halik, Basang-basa sa Ulan, at Luha.
Binubuo ng vocalists na sina Juliet Sonot, Mercy Sunot-Borjal, Kris Sunot, keyboardist na si Stella Maries Galindo-Pabico, drummer na si Vilma Goloviogo, bassist na si Rowena “Weng” Pinpin-Adriano, at guitarist na si Rey Abenoja, ang banda at sasamahan ng ilan sa mga kaibigan nito sa industriya tulad nina Jett Pangan, Jericho Rosales, Karla Estrada, Anne Curtis, at Vice Ganda. Si Frank Lloyd Mamaril ang magdidirehe ng show.
Kilala rin ang Aegis sa mga sold-out at de-kalidad na concert nito. Noong isang taon lamang, nagwagi ito ng “Best Major Concert” award sa 30th Aliw Awards para sa Aegis Na Aegis: A Story of Us.
Mabibili ang tickets sa AEGIS: Doble Dekada, Ang Soundtrack ng Buhay Mo concert sa halagang P5,830 (VVIP), P4,240 (VIP), P3,180 (Patron A), P2,650 (Patron B), P1,275 (Box), P850 (Upper Box), at P320 (General Admission).
Ang mga interesadong manood ay maaaring tumawag sa ABS-CBN Events at 413-1222/0915-036-9464 or Ticketnet at 911-5555. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang official social media accounts ng ABS-CBN Events sa Facebook.com/ABSCBNnetwork/events o @abscbnevents sa Twitter at Instagram.