“DRUG-CLEARED” at “drug-free’ na ang 103 barangay sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula, ayon sa deklarasyon ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing Operations.

Ang nasabing komite ay binubuo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Police Regional Office (PRO)-9, mga lokal na pamahalaan, at mga regional office ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Health (DoH).

Sinabi ni Chief Insp. Helen Galvez, information officer ng PRO-9, na ang deklarasyon para sa 103 barangay ay tugon ng komite sa pagtalima ng mga komunidad sa parameters na itinakda ng Dangerous Drugs Board (DDB), alinsunod sa Section 8 ng DDB Board Regulation No. 3 Series of 2017, o ang “Strengthening the Implementation of the Barangay Drug-Clearing Program.”

Tatlumpu’t apat sa mga barangay na idineklarang drug-cleared at drug-free sa walong bayan ng Zamboanga Sibugay. Labing-isang barangay sa Tungawan, dalawa sa Titay, anim sa Buug, tatlo sa Diplahan, anim sa Imelda, dalawa sa Naga, dalawa sa Siay, at tatlo sa Oluntanga.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ayon kay Galvez, nasa Zamboanga del Sur naman matatagpuan ang 69 na barangay na drug-cleared na rin mula sa isang lungsod at 26 na bayan. Lima sa Bayog, 12 sa Lakewood, 17 sa Tigbao, 16 sa Dumalinao, 14 sa Josefina, at lima sa Labangan.

Habang nauna nang idineklara ang 13 barangay sa mga bayan ng Bayog, Lakewood, Tigbao, Dumalinao at Josefina nitong Hunyo 11.

Ipinaliwanag naman ni PDEA Region 9 Oversight Committee Chairman Laurefel Gabales na ang mga barangay na drug-cleared ay dadaan pa rin sa validation at “if the committee will find out that there are still drug users and pushers still operating at the above-mentioned barangay, the Regional Oversight Committee will recall the declaration and they will not be a drug-cleared barangay anymore.”

Kabilang sa mga panuntunan ng deklarasyon ng lugar na “drug-free” ay ang kawalan ng mga sumusunod: ilegal na droga, transaksiyon na may kinalaman sa droga, drug laboratory, warehouse, marijuana cultivation site, drug den, mga nagtutulak at gumagamit, at kawalan ng mga protektor at mga financier.

PNA