Tiniyak ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E, Goitia na maire-relocate na sa Trece Martirez City, Cavite ang mga pamilyang informal settlers sa Estero de Magdalena sa Tondo, Maynila.
Naunang nai-relocate ng PRRC sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) ang 1,009 pamilya sa Pandi at Norzagaray, Bulacan, at Paradise Heights sa Tondo, Maynila, at muling magre-relocate ang PRRC sa Hunyo 20 para masimulan na ang Estero de Magdalena Linear Park.
Katulong ng PRRC ang Metropolitan Manila Development Authority, pamahalaang lungsod ng Maynila at ilang pamilya ng informal settlers sa Bayanihan Cleanup nitong Hunyo 13.