Nagsumite na ng kanyang paliwanag si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaugnay ng show cause order na inisyu laban sa kanya ng Korte Suprema.

Pinagpapaliwanag ng korte si Sereno kung bakit hindi siya dapat parusahan dahil sa paglabag sa Code of Professional Responsibility at Code of Judicial Conduct at pagsuway sa sub judice rule dahil sa pagbibitiw ng maanghang na salita laban sa mga mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman.

Sa kanyang compliance, iginiit ni Sereno sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Alex Poblador na ang kanyang pahayag ay tugon lamang sa mga paratang laban sa kanya ni Solicitor General Jose Calida.

Ipinagtatanggol lamang umano ng napatalsik na punong mahistrado ang kanyang sarili matapos siyang mapagkaitan ng due process.

Teleserye

Jennylyn kare-renew lang ng kontrata sa GMA, may serye agad kasama si Dennis

Muli ring iginiit ni Sereno na dapat ay mag-inhibit sa kanyang kaso ang anim na mahistrado na sina Associate Justices Teresita Leonardo De Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Samuel Martires dahil hindi umano patas ang mga ito sa pagtrato sa kanyang kaso.

-Beth Camia