Ipinakalat ng Malabon City government ang mga tauhan nito na binansagang “road warriors”, mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), na aaresto sa mga indibiduwal na mahuhuling nagtatapon ng basura sa pampublikong lugar sa 21 barangay sa lungsod.

Sa panayam kay Malabon City public information officer Bong Padua, iniutos na ng pamahalaang lokal na ikulong ang mga taong walang pakundangan sa pagtatapon ng basura sa kalsada, estero, kanal, at ilog.

Bukod pa, aniya, ito sa multang hindi hihigit sa P5,000 sa unang paglabag.

Nagpakalat na rin ang CENRO ng trash trap o bangkang haharang sa mga basura sa Tullahan River, upang hindi na ito dumaloy sa Manila Bay.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sa pag-aaral, lumalabas na ang walang disiplina sa pagtatapon ng basura ang pangunahing dahilan ng pagbaha sa Malabon City.

-Orly L. Barcala