NAPANATILI ni International Master Haridas Pascua ng Baguio City ang tangan na National Chess Cup title matapos manaig sa tie break points kina runner-up International Master Jan Emmanuel Garcia ng Manila at third placer Fide Master Mari Joseph Logizes Turqueza ng Quezon City sa katatapos na 2018 National Chess Championship ‘Trip To Batumi Grand Finals’ kahapon sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City.

Nakalikom ang tatlo (Pascua, Garcia at Turqueza) ng parehong 8.0 puntos sa 11 laro, ngunit nanaig si Pascua sa higher tie break points sa torneo na inorganisa ng NCFP ay suportado ng Philippine Sports Commission.

Bunsod nito, tiyak na sina Pascua at Garcia na mapasama sa five man Philippine Team na sasabak sa 43rd Chess Olympiad sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 7, 2018.

“I am so thankful for this victory and I want to humbly offer this triumph to our Lord. It’s an honor to represent the Philippines in the upcoming 43rd World Chess Olympiad,’ sambit ni ascua na tubong Mangatarem, Pangasinan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Habang ang nalalabing tatlong slots ay pag-uusapan sa Hunyo 19, 2018 sa pagpapatuloy ng NCFP board meeting sa Davao City kaalisabay ng pagbubukas ng 19th ASEAN+ Age Group Chess Championships na inorganisa ng Chess Events International sa pangunguna nina International Arbiter James Infiesto at Grandmaster Jayson Gonzales.

Inaasahan naman ang country’s top player US based Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra (Elo 2546) ang masisilayan sa Board 1 sa Philippine Team.

Habang si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre, ang long-time vanguard ng Philippine Chess ay malaking vital role sa Philippine Team kung saan sa nakalipas ay head coach ng mens team.

Nagpakitang gilas din si Woman Fide Master Shania Mae Mendoza ng Santa Rosa City, Laguna matapos magkampeon sa women’s division na may 7.0 points habang si University of the Philippines-Diliman chess coach Woman International Master Catherine Perena-Secopito ng Bulacan ay nakamit ang runner-up place na may 6.5 points.

Si Woman International Master Marie Antoinette San Diego, pambato ng Dasmarinas Chess Academy na itinatag nina Dasmarinas mayor Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., congresswoman Jenny Barzaga at national coach International Master Roel Abelgas ay nasa third place na may 5.5 points.

Sina Mendoza, Perena-Secopito at San Diego ay nakakatiyak na mapabilang sa Philippine Womens Team sa 43rd Chess Olympiad na pangungunahan naman ni country’s first Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna ng Albay province ang womens team top board player.