PARA kay George Kambosos, ang sparring partner ni Manny Pacquiao, malaki ang tsansa na mananalo ang Senador via knockout laban kay Argentinean WBA “regular” welterweight champion Lucas Matthysse sa Hulyo0 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Kambosos, taglay pa rin ni Pacquiao ang bilis at pamatay na mga suntok na sa kabila ng kanyang edad na 39 at nanatiling ‘killer punch’.
“I believe Manny can knock Matthysse out,” sambit ni Kambosos sa panayam matapos ang sparring session.
“Matthysse’s defense is not superb and he relies only on his offense. This is perfect for a fighter like Manny Pacquiao. Pacquiao’s hand speed, combination punching, and power will lead to a knock out over Matthysse. Pacquiao is still at the top of his game,” aniya.
Dahil edad 35 na ri si Matthysse, hindi na rin nitong magagamit ang bilis laban kay Pacquiao na aniya “fitter, faster at smarter” boxer.
“He can keep a very fast pace for the whole 12 rounds if it is to go to a decision. Manny is getting sharper, faster and stronger week by week. We have had an excellent week of sparring and are on perfect track for the July 15th fight,” ayon kay Kambosos.
Aniya, ang kabiguan ni Pacquiao sa kababayan niyang si Jeff Horn noong Hunyo 2017 sa Brisbane ay nararapat para sa Pinoy eight-division world champion.
“There is no weight on Manny’s shoulders for the Matthysse fight more than anything now being the challenger for the title has motivated him more to show the fans he still has more to give to the world,” aniya.
Taglay ni Kambosos ang malinis na pro career sa lightweight division. Kasalukuyan siyang WBA Oceania at IBF Pan Pacific lightweight champion. Kamakailan naitala niya ang impresibong knocked out win kay Jose Forero sa unang round (1:48).