TOKYO (Reuters) – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang Osaka, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Japan, kahapon ng umaga, na ikinamatay ng tatlong katao, at ikinasugat ng mahigit 200 iba pa, nawalan ng kuryente ang mga pabrika at industrial area at nasira ang mga tubo ng tubig. Walang inilabas na tsunami warning.

Sinabi ni Prime Minister Shinzo Abe na inaalam na ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala at prayoridad nila ang kaligtasan ng mga residente.

Nangyari ang lindol dakong 8:00 ng umaga habang papasok sa trabaho ang mga tao. Nakasentro ang pagyanig sa hilaga ng Osaka City, ayon sa Japan Meteorological Agency, at may lakas na magnitude 6.1.

Iniulat ng Japanese media kabilang ang public broadcaster na NHK na isang 80-anyos na lalaki at isang 9-anyos na babae ang namatay nang mabagsakan ng gumuhong pader. Isa pang 80-anyos na lalaki ang nasawi nang madaganan ng natumbang bookcase.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina