Aabot sa P2.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya sa mag-utol na umano’y drug courier sa anti-illegal drugs operation sa Quezon City, kahapon.

Sa report ni Fairview Police Station commander, Supt. Benjamin Gabriel, Jr., kinilala ang magkapatid na sina Martin Morales, 27; at Paulo Morales, 18, kapwa taga-Lipa City, Batangas.

Nasorpresa ang magkapatid sa pagdating ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD)-Station 5 at Phillippine Drug Enforcement Agency- Nat ional Capital Region (PDEA-NCR) sa Camaro Street, Barangay Greater Fairview, dakong 1:00 ng madaling araw.

Naiulat na kumagat ang dalawa sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng isang kilong shabu na nagkakahalaga ng P2.4 milyon.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

N a k u m p i s k a r i n s a magkapatid ang mga drug paraphernalia; isang Honda CRV, na sinasabing ginagamit ng mga ito sa pagbebenta ng droga; isang cal. 38 revolver; at marked money.

Iniulat din ni QCPD Director, Chief Supt. Joselito Esquivel, Jr., aabot na sa 24 drug suspect ang naaresto ng QCPD-Drug Enforcement Unit (DEU) sa Bgy. Talipapa, Laloma, Pasong Putik, Sto. Domingo, Cubao, at Pinyahan.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa iba’t ibang police station sa lungsod at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-JUN FABON