Tinututulan ni Caloocan Bishop Pablo David ang pag-aarmas ng mga pari, sa gitna ng sunud-sunod na pamamaslang sa mga alagad ng Simbahang Katoliko sa nakalipas na mga buwan.

Nararapat lamang aniyang talikdan ng isang pari ang pagpapari kung nais nitong magbitbit ng baril para protektahan ang sarili.

Mas makabubuti pa, ayon sa obispo, na sumali na lang ito sa hanay ng pulisya at militar.

“They might want to consider leaving the priesthood and joining the police or the military instead. We don’t even have to dwell on the morality of it; it is UNPRIESTLY, to say the least,” pambungad ni David sa kanyang Facebook post.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nauna nang naiulat na lihim nang bumibili ng baril ang ilang pari sa Laguna kasunod ng serye ng pagpatay sa mga pari, na ang huling biktima ay si Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan.

Duda naman ang bise presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa nasabing report dahil hindi naman umano tinukoy ang pagkakakilanlan ng mga nag-aarmas na pari.

Nauna na ring nagpahayag ng pagkontra sa panukala si CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, dahil hindi umano isinusulong ng mga pari ang karahasan kundi ang kapayapaan.

“We are men of God, men of the Church and it is part of our ministry to face face dangers, to face deaths if one may say that way. But we would

-Leslie Ann G. Aquino