Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pakikialaman ng pambansang pamahalaan ang tinatayang $1 bilyon gas field sa Liguasan Marsh sa Maguindanao.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo matapos ibunyag ni Maguindanao Representative Zajid Mangudadatu na ang unexploited marsh sa katimugan ay pinagkukunan ng cooking gas.

Nauna nang iniulat na ang lugar sa ilalim ng Lake Buluan sa Liguasan Marsh sa Maguindanao ay nagtataglay ng 68 bilyon cubic feet ng methane gas.

Sa kanyang talumpati sa Davao City, sinabi ni Duterte na walang dapat ipangamba ang mga Mindanaoan na pakikialaman ng pambansang pamahalaana ang natural gas reserve ngunit pinaalalahanan sila na magbayad ng mga buwis.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“There is much worry -- and they are wary na baka ‘yung sabi ninyo sa Liguasan Marsh. If there are trillions of cubic meters of oil, do not be worried at all. Hindi na kukunin ng gobyerno ‘yan. Inyo ‘yan. Walang makialam niyan,” sinabi niya nitong Sabado ng gabi.

“It will remain in your control and possession. But you just have to pay the taxes and the service that the government that would spend,” dugtong niya.

Gayunman, hiniling ni Duterte sa mga lokal na ibahagi ang gas reserve sa mga nagnanais na kumita rin ng pera sa pamamagitan ng unexploited gas field.

“If you grow rich, mag mayayaman kayo diyan sa Maguindanao pati sa Sultan Kudarat. Eh huwag naman din ninyong bawalan ‘yung ibang pumunta doon. Kasi nandiyan ‘yung pera,” aniya.

Sa panayam sa DZMM noong nakaraang buwan, nagpahayag ng kumpiyansa si Mangudadatu na magagawang idebelop ng bansa ang marsh sa loob ng 25 taon.

“This is not just for Maguindanao province, but for the whole country,” aniya, umaasang ang Pilipinas ay magiging “next Dubai.”

-Argyll Cyrus B. Geducos