Binigyan lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ng 24 oras ang mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang imbestigahan ang bagong insidente ng “tanim-bala†sa airport.

Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Christopher “Bong†Go sa mga mamamahayag sa Davao City kahapon makaraang mag-viral ang post sa Facebook ni Kristine Moran tungkol sa nasabing insidente.

Ayon kay Go, inatasan ng pamahalaan ang Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security na agaran at masusing imbestigahan ang insidente.

“Inaalam ngayon ng authorities kung saan nanggaling ‘yon, kung ano ang puno’t dulo. Kung talaga bang hinulog para mangikil. So, pakinggan din natin, antayin natin ang imbestigasyon,†sabi ni Go.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“In 24 hours (sic), i-submit nila ang report sa amin,†ani Go, sinabing ang 24-hour countdown ay nagsimula ng 5:00 ng hapon nitong Sabado.

Nilinaw naman ni Go na hindi na-hold si Moran at nakabiyahe pa rin matapos kumpiskahin ang bala ng .9mm caliber pistol mula rito.

Sa isang Facebook post, sinabi pa ni Go na inaasahan niyang tutupad ang mga kinauukulang ahensiya sa 24-oras na deadline ng Malacañang.

“We are expecting them to comply or face the consequences,†sabi ni Go.

“We reiterate—the Duterte Administration will never tolerate this,†pagbibigay-diin ni Go. “Sinabi na ng Pangulong Duterte noon na ‘pag nangyari pa ito, ipapakain niya ‘yung bala sa taong gumawa, and I assure everyone, he will really do it,†pagtitiyak ni Go.

Nagpakilalang opisyal ng pamahalaan, sinabi ni Moran sa kanyang Facebook post na nangyari ang insidente bandang 2:30 ng hapon nitong Hunyo 15 sa NAIA Terminal 3 Gate 2. Patungo siya sa Zamboanga kasama ang kanyang anak na kalalabas lang sa ospital, at ang kanyang ina na isang senior citizen.

Kuwento ni Moran, makaraang lumampas sa X-ray machine ay pinigil siya ng tauhan sa airport at sinabing bubuksan ang kanyang bag para inspeksiyunin.

Aniya, binuksan ang kanyang bag subalit wala namang natagpuan. Kalaunan, natagpuan sa harapang bulsa ng kanyang bag ang isang bala ng .9mm caliber pistol.

Nanindigan naman kahapon ang pamunuan ng DOTr at MIAA na walang nangyaring tanim-bala o anumang iregularidad sa isinagawang screening sa bagahe ni Moran.

Batay sa imbestigasyon ng DOTr, nabatid na bago mag-check-in ay dumaan muna si Moran at ang ina at anak nito sa initial security screening sa Gate 2, habang dumaan naman sa baggage search ang bag niya, na nababalot ng clear plastic.

Nakita umano ng X-ray operator ang imahe ng bala sa bag kaya humingi ng tulong sa baggage inspector at sa police personnel upang i-validate ang imahe, na kinuhanan pa ng litrato.

Nang makumpleto ang procedural aspects ng screening, sinabi ng DOTr na mismong si Moran pa ang nagtanggal umano ng clear plastic wrap sa kanyang bag.

Isinagawa rin ang inspeksiyon sa harapan mismo ni Moran, at kinuhanan pa ng video ng screening personnel upang maiwasan nga ang hinala ng tanim-bala.

Pinanigan naman ng DOTr- MIAA ang kanilang mga tauhan at iginiit na walang iregularidad sa ginawa nilang inspeksiyon sa bagahe ni Moran.

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at MARY ANN SANTIAGO, ulat ni Beth Camia