Napipinto na namang magpatupad ng oil price hike sa bansa ngayong linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 40 sentimos ang kada litro ng diesel, habang 20 sentimos naman ang dagdag-presyo sa gasolina.
Ang nagbabadyang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.
Hunyo 12 nang huling nagtapyas ang mga kumpanya ng langis ng 60 sentimos sa kada litro ng diesel at keresone, samantalang 55 sentimos naman ang binawas sa gasolina.
Mayo 29 naman huling nagtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis nang magdagdag ng 65 sentimos sa kada litro ng gasolina, 45 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos naman sa diesel.
-Bella Gamotea