COTABATO CITY – Patay ang isang babae, iniulat na buntis, at sugatan ang isang lalaki nang masabugan ng bomba sa pagpapatuloy ng military operation laban sa mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao, sinabi ng sibilyan at Army officials nitong Sabado.

NASABUGAN NG BOMBA SA PALAYAN Makikita sa larawan, na ipinagkaloob ni Atty. Naguib Sinarimbo sa pamamagitan ng Facebook, ang mga residente na bumuhat sa bangkay ng buntis na nasabugan ng bomba sa gitna ng military operations sa Maguindanao.

NASABUGAN NG BOMBA SA PALAYAN Makikita sa larawan, na ipinagkaloob ni Atty. Naguib Sinarimbo sa pamamagitan ng Facebook, ang mga residente na bumuhat sa bangkay ng buntis na nasabugan ng bomba sa gitna ng military operations sa Maguindanao.

Kinilala ang namatay na si Naano Mangintas at ang sugatan ay si Nene Mohammad, 14 anyos.

Sa imbestigasyon, nagdidilig ang mga biktima sa palayan sa Lower Idtig, Gen. Saliada Pendatun, sa Maguindanao nang tamaan ng bomba sa nasabing lugar nitong Sabado ng umaga, ayon sa abogadong si Naguib Sinarimbo.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dead on the spot si Mangintas habang isinugod sa ospital ang lalaki, ayon kay Sinarimbo, dating executive secretary ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Naglunsad ang mga sundalo ng surgical offensives sa isang pabrika ng bomba at iba pang kuta ng BIFF combatant sa pamumuno ng isang kumander Bungos at Abu Toraife sa ilang bahagi ng Liguasan Marsh sa hangganan ng Maguindanao at North Cotabato nitong Hunyo 9.

Patay ang 15 rebelde at nakubkob ang pabrika sa unang araw ng operasyon sa pakikipagtulungan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF), ayon sa Army’s 6th Infantry Division (6ID).

Sinuspinde ang military operations sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr (pagtatapos ng Ramadhan) nitong Hunyo 1 5 ngunit ipinagpatuloy nitong Sabado, ayon kay Senarimbo.

Ibinahagi ni Sinarimbo, na nagkakaloob ng legal assistance sa MILF technical working group na nagsusulong sa Bansamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso, sa Facebook ang ilang larawan na nagpapakita sa pagbuhat ng mga residente sa bangkay ng biktima.

Kinumprima ngayon ni Army Capt. Ervin Encinas, tagapagsalita ng 6ID, ang pagkamatay ng babae at pagkasugat ng binatilyo.

-ALI G. MACABALANG at FER TABOY