ROSTOV-ON-DON, Russia (AP) — Kabilang na ang Brazil sa ‘heavyweights’ na may masalimuot na simula sa World Cup.
Naipuwersa ng Switzerland ang five-time champions sa 1-1 draw nitong Linggo (Lunes sa Manila), ilang oras matapos daigin ng Mexico ang four-time champion Germany,1-0.
Nakuha ng Brazil ang 1-0 bentahe mula kay Philippe Coutinho, naglaro sa unang pagkakataon sa World Cup, sa ika-20 minuto, ngunit nakatabla ang Swiss nang makalusot si Steven Zuber sa depensa ng Brazilian sa ika-50 minuto.
Hindi tinanggap ni Mexican referee Cesar Ramos ang reklamo na tinulak ni Zuber ang dumedepensa na si Miranda para makuha ang pasa sa corner ng kasanggang si Xherdan Shaqiri.
“I was pushed out of the way. There is video of what happened and the referee could have seen it. But it didn’t happen,” pahayag ni Miranda. “We got a draw but this is only the beginning for us. We knew this game wasn’t going to be easy.”
Hindi rin ibinigay ni Ramos ang penalty sa second half nang makipagbuno si Gabriel Jesus kay Switzerland defender Manuel Akanji.
Natapos ang laro na nabigyan ng tatlong yellow cards ang Swiss team at 10 sa kabuuang 14 fouls ng koponan ay nakamit sa pagpigil kay Brazilian star Neymar.
“Of course, neutralizing Neymar was a key ingredient of our game,” pahayag Switzerland coach Vladimir Petkovic he added.
Tulad ng Brazil, hirap ding makalusot ang German.
At sopresa ang naging kabiguan ng 2014 champions at ranked No. 1 sa mundo sa kamay ng Mexcican.
“We will make it,” kumpiyansang pahayag ni Germany coach Joachim Loew. “There’s no reason to fall apart because you lose one game.”
Naitala ni forward Hirving Lozano ang tanging goal sa laro sa ika-35 minuto mula sa pasa ni Javier Hernandez.
“I don’t know if it’s the biggest victory in (Mexico’s) history, but one of the biggest for sure,” pahayag ni Lozano. “My teammates and I did some great work. We all ran our hearts out. This is the result of all that hard work.”