PANDI, Bulacan – Humingi ng saklolo ang mga tumiwalag na leader at miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) dito, dahil sa natatanggap na mga banta sa buhay mula sa orihinal na mga miyembro ng militanteng grupo.

Nagreklamo si Jeffrey Aris, ang leader ng mga tumiwalag na Kadamay members sa Pandi, kay Chief Insp. Manuel de Vera, hepe ng Pandi police, hinggil sa natatanggap niya, at ng mahigit 200 pang tumiwalag, na banta sa buhay mula sa mga dating kasamahan.

Nagreklamo si Aris kay De Vera na maya’t maya, ang mga orihinal na miyembro ng Kadamay ay umaaligid sa bahay na kanilang inookupahan at sinasabing palalayasin sila sa tinutuluyang bahay at pinagbabantaan ang kanilang buhay.

Aniya, karamihan sa mga tumiwalag sa grupo ay inookupa ang nasa 400 bahay na nakareserba para sa mga miyembro ng Bureau of Forest Protection sa Barangay Cacarong Matanda dito, at mayroon ding ilang nakatira sa limang iba pang relocation sites na itinayo ng National Housing Authority (NHA) sa bayan ding ito.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Upang protektahan ang sarili mula sa kapahamakan, sinabi ni Aris na tinupon nila ang kanilang miyembro upang magsagawa ng security checks oras-oras sa kanilang mga miyembro na umookupa sa housing units.

-Freddie C. Velez