ISANG bagong tourist attraction na patok sa pamilya at mga bata ang handog ng Filipino-Chinese community, ang 12 Chinese zodiac sculptures na makikita sa Filipino-Chinese Friendship Park sa loob ng Botanical Garden, Baguio City.

ZODIAC-6

Ang bagong atraksiyon ay resulta ng pagkakaisa at kontribusyon ng Filipino- Chinese community bilang suporta na mapalago pa ang turismo sa lungsod at mapaganda ang Botanical Garden.

Ang Phase 2 beautification project at pagpapatayo ng sculptures sa layuning maging family entertainment ang lugar ay binuksan sa publiko kasabay ng selebrasyon ng 17th Philippine- China Friendship Day nitong Hunyo 9 sa lungsod.

Events

Listahan ng mga nagwagi sa 2024 MMFF Gabi ng Parangal

Nagsimulang maging atraksiyon ang Chinese garden noong ipagkaloob ng city government ang 400 square meter sa Filipino- Chinese community sa loob ng Botanical Garden, sa pamamagitan ng “adopt a park” program.

Ang pagpapaganda ng Chinese garden mula sa umpisa hanggang sa kasalukuyan ay mula sa konsepto ni Peter Ng, na ngayon ay presidente ng Filipino- Chinese Chamber of Commerce, at sa suporta ng Filipino- Chinese community ay naging matagumpay ang proyekto, at ngayon ay nangungunang atraksiyon sa Botanical Garden.

10

Mula noon, nasa likod na ng proyektong ito at nakasuporta sa pangangailangan ng lungsod at sa mga programa ng Filipino- Chinese community ang consulate ng People’s Republic of China sa Laoag.

Dahil s a nakikitang pagpapahalaga, pag-develop at pagpapaganda ng Filipino- Chinese community sa kanilang garden ay pinalawak pa ng city government ang lugar, at ngayon ay 1,500 square meters na ang Chinese Garden, para bigyan-daan ang Phase 3 beautification project.

release of the CCTV footage.

-Sinulat at larawang kuha ni RIZALDY COMANDA