CATHARINES, Ontario (AP) — Hataw si Cole Anthony ng 18 puntos para sandigan ang United States sa ikalimang sunod na FIBA Americas under-18 title sa dominanteng 113-74 panalo kontra Canada.

NAGDIWANG ang US Team nang tanghaling kampeon sa ikalimang sunod na taon sa FIBA Americas.

NAGDIWANG ang US Team nang tanghaling kampeon sa ikalimang sunod na taon sa FIBA Americas.

Nag-ambag sina Quentin Grimes at Matthew Hurteach ng tig-17 puntos, habang kumana si Jeremiah Robinson-Earl ng 14 puntos para sa U.S. team na pinangasiwaan ni University of Kansas’ Bill Self.

Nag-ambag si Fil-American Kamaka Hepa ng tatlong rebounds at tatlong assists.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nanguna si A.J. Lawson sa Canada na may 18 puntos at 12 rebounds.

Ang United States, Canada at semifinal losers Argentina at Puerto Rico ay nakasiguro naman ng FIBA U19 World Cup.

Nakamit ng Argentina ang bronze medal nang pataubin ang Puerto Rico 87-79, habang ang Chile ay ikalima nang magwagi sa Dominican Republic 69-63, at tinalo ng Panama ang Ecuador 66-51.