INILUNSAD ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kamakailan ang unang Unconditional Cash Transfer (UCT) para sa 733 Kampampangan na benepisyaryo ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC).

“A total of three million indigent senior citizens will receive their cash payout amounting to PHP2,400 each,” pahayag ni DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, sa unang UCT grant para sa mga SPISC beneficiaries sa San Fernando.

“For our pilot payout activity, we will be providing the UCT grant of our social pension beneficiaries in the City of San Fernando, Pampanga. In Region 3 (Central Luzon), a total of 95,304 SPISC beneficiaries will receive their UCT subsidy in the coming weeks,” ani Orogo.

Ayon sa acting Secretary, inihahanda na rin ng mga DSWD field offices sa ibang rehiyon ang mga dokumentong kailangan para sa pamamahagi ng UCT sa mga benepisyaryo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The payout activity in the region will be scheduled as soon as we finish the payroll generation of our beneficiaries and after the Land Bank of the Philippines approves our payroll submissions,” aniya.

Ang UCT ay isang tulong pinansiyal na ibinibigay sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, upang umagapay sa mahihirap na maapektuhan ng batas sa loob ng tatlong taon simula 2018.

Para sa taong ito, makatatanggap ang mga benepisyaryo ng P200 kada buwan o P2,400 kada taon na tataas sa P300 o 3,600 kada taon pagsapit ng taong 2019 at 2020.

Bukod sa tatlong milyong social pensioners, kabilang din sa mga makatatanggap ng UCT ang 4.4 milyong benepisyaryo sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD at 2.6 milyong mahihirap na kasali sa programang National Household Targeting System for Poverty Reduction, o Listahan ng DSWD. (PNA)