Ni ALI G. MACABALANG
COTABATO CITY – Nasa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng awtoridad sa isang teacher at tatlong iba pa sa pinakabagong anti-illegal drugs operations sa Central Mindanao.
Kinilala ni Juvenal Azurin, director ng Philippine Drug Enforcement Agency for the Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM), ang naarestong teacher na si Salma Talib at mga kasabwat niyang sina Saiden Yusa, Nasser Pasawilan, at Mahmod Dimaudtang.
Ayon kay Azurin, inaresto ang apat sa pagkakakuha sa P6.8-milyong halaga ng shabu sa isang gasolinahan sa Barangay Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Biyernes.
Ikinulong si Talib, public school teacher, at ang tatlo niyang kasabwat upang harapin ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Philippine Dangerous Drugs Act, ayon kay Azurin.