NAGBIGAY na naman ng karangalan si three-division world champion Donnie Nietes nang sundan niya ang mga yapak nina multi world titlists Manny Pacquiao at Nonito Donaire Jr. nang pumasok sa prestihiyosong Top Ten ng pound-for-pound ratings ng pamosong Ring Magazine.

Sa pinakahuling ratings ng Ring Magazine nitong Hunyo, pumasok sa unang pagkakataon si Nietes bilang No. 9 sa P-4-P list bilang pagkilala sa kanyang pagwawagi kamakailan kay dating WBA light flyweight at flyweight champion Juan Carlos Reveco para maipagtanggol ang kanyang IBF flyweight title.

Nanguna sa P-4-P list si unified middleweight champion Gennady Golovkin ng Kazakhstan, kasunod si Ring at WBA lightweight champion Vasiliv Lomachenko ng Ukraine at mga Amerikanong sina bagong WBA welterweight champion Terence Crawford at WBC lightweight champion Mikey Garcia.

Panglima si dating WBO super flyweight champion Naoya Inoue ng Japan, pang-anim si WBC super flyweight champion Srisaket Sor Ruvingsai,No. 7 si IBF welterweight champion Errol Spence ng United States, No. 8 si WBO light heavyweight champion Sergey Kovalev ng Russia at pang-10 si Oleksander Osyk ng Ukraine na kampeon sa cruiserweight division ng WBC at WBO.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Magtatangka si Nietes na matamo ang ikaapat na kampeonato sa pagkasa sa kababayang si Aston Palicte para sa bakanten WBO super flyweight title sa Agosto 18 sa Cebu City. (Gilbert España)