Ni NITZ MIRALLES

PINAIYAK ni Kris Aquino ang followers niya sa Instagram nang i-post niya ang resulta ng activity exercise na ginawa ni Joshua sa klase nito. “My Daddy” ang title ng activity exercise at may mga question na sinagot ni Josh, na nagpaiyak sa mga nakabasa.

josh, bimby, kris

Obvious na pang-Fathers’ Day ang activity na sinagutan ni Josh. At sa tanong na “His name” ay pangalan ni Kris ang isinulat ng anak. “Taping” naman ang isinagot ni Josh sa tanong na “He does”, at “cooking” sa “He knows…”. Touching din ang isinagot ni Josh sa tanong na “He always tells me…: Ang lagi raw bati ni Kris sa kanyang panganay ay “Hi, Josh”.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa “He likes to do ___ for fun”, ibinuking ni Josh na shopping ang hilig ni Kris. Cute rin ang “potato chips” na sagot ni Josh sa “If I could give him anything it would be...”

Sa “I love him because...”, ang sagot ni Josh ay “Mommy Loveyall.” Pero pinakanaaliw si Kris sa sagot ng anak sa “He is ___ years old”, dahil ang sagot ng kanyang panganak ay “14 years old.”

Sinundan ni Kris ng comment ang nasabing post niya sa activity exercise ni Josh, na lalong nagpaiyak sa mga nakabasa.

“You all know that Kuya Josh is in the autism spectrum. I just got home from a very long & challenging shooting day.

When I got to our room—he gave this to me...nawala lahat ng pagod ko.

“Wala kaming pinatatamaan—this is just our reality. And I have been vocal in saying no issues whatsoever (about) Josh’s biological father because never naman niya kami ginulo & publicly he has thanked me for embracing the full responsibility for kuya’s upbringing.

“I love that I’m still just 14 years old. I checked & this was an activity in his therapy he did on his own...

Sharing this w/ all of you because w/ o your support for me, my children wouldn’t have the quality of lives & education, in kuya’s case the full team of therapists, SPED teachers, coaches, and interventionist.

“Thank you—it is because of all of you I can be the parent I am. Because of you— for my 2 boys I AM ENOUGH.

#gratitude #lovelovelove.”