NABA-BASH na naman si Bea Binene dahil sa post niyang bouquet of flowers na ibinigay ng non-showbiz suitor (o boyfriend) niya.

bea binene

Sa litrato ay hindi kita ang mukha ng suitor ni Bea, kaya nagwala na naman ang isang grupo ng fans na nag-aakalang si Alden Richards ang manliligaw o boyfriend ng young actress.

Ayaw nilang maniwala sa paulit-ulit na sinasabi ni Bea na friends lang sila ni Alden, at hindi ang aktor ang nagpapadala ng mga bulaklak at pagkain sa kanya.

Tsika at Intriga

New collab? Salome Salvi, ngiting-wagas sa 2 kasamang lalaki sa pic

Dine-dare naman si Bea na pangalanan ang manliligaw para raw hindi na mag-assume ang fans na si Alden iyon, pero hindi ito ginagawa ng segment host ng Good News.

Pati braso at suot na relo ng suitor ni Bea ay pinagdiskitahan ng bashers. Braso at relos daw ni Alden ‘yun. Pero kita naman sa picture na mas maitim at mas maliit sa braso ni Alden ang may dala ng mga bulaklak. Saka si Alden lang ba ang may ganu’ng relos?

Bakit nga naman pipilitin si Bea na pangalanan ang kanyang special someone dahil lang sa selos at bashing ng fans?

Paano kung may usapan sila ng guy na huwag munang ipaalam ang identity nito?

Lalong nagwala ang bashers ni Bea sa caption niya sa bouquet of red roses: “And in this crazy life, and through these crazy times It’s you, it’s you, you make me sing. You’re every line, you’re every word, you’re everything.”

Siguradong sa presscon ng bagong afternoon soap ni Bea sa GMA-7 na Kapag Nahati ang Puso ay ang pamba-bash sa kanya ang isa sa mga itatanong. Hindi tinatanong ng press people si Bea sa isyu nila ni Alden dahil hindi naniniwala ang mga reporter na may romantic relationship sila, gawa-gawa lang ito ng mga selosang fans. (Nitz Miralles)