Ni Marivic Awitan

PINADAPA ng College of St. Benilde ang San Sebastian College-Recolletos, 87-79, upang tumapos na top seed sa kanilang grupo sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup nitong Biyernes sa San Juan.

Tumapos si Justin Gutang na may 17 puntos, 8 rebounds at 3 assists, kasunod si Unique Nabia na may 12 puntos, 5 rebounds at 7 assists para pamunuan ang panalo ng CSB.

“He’s really a major factor for us, he can help is in a lot of ways, but as you can see, a lot of guys contribute double figures to the team,” pahayag ni Blazers coach TY Tang patungkol kay Gutang.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We are being competitive; I think our mindset have changed. We now play until the last minutes of the buzzer. We need everybody to contribute on our team, we can’t rely on one guy,” aniya.

Tumapos ang St. Benilde na may 7-1 marka habang nagtapos ang SSC-R na may patas na barahang 4-4.

Nauna rito, dinomina ng defending champion San Beda ang Emilio Aguinaldo College, 75-48.

Tumapos ang Red Lions na may 7-2 kartada habang nanatiling winless ang Generals sa barahang 0-9.

Pinangunahan ni forward Kemark Carino ang Red Lions sa itinala nyang 11 puntos.