Matapos dikdikin ng Senate minority bloc, sa wakas ay nangako kahapon ang Senate foreign relations committee na magdadaos ng public hearing sa kontrobersiyal na militarisasyon sa China sa ilang bahagi ng Spratly island chain na legal na pag-aari ng gobyerno ng Pilipinas.

“I welcome the call for the Senate Committee on Foreign Relations to conduct a public hearing on the government’s policy towards China. I agree that the Senate, as an independent body, should assert our role in helping shape the government’s foreign policy,’’ deklara ni Sen. Loren Legarda, committee chairwoman.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na bahala na ang komite ni Legarda na maggiit sa karapatan ng Senado na magsagawa ng public hearings sa foreign policy issues dahil ang Mataas na Kapulungan ay ang partner ng Executive branch sa mga usapin ng foreign policy.

Nauna rito, sinabi ni Sen. Gregorio B. Honasan II, chairman ng Senate national defense and security committee, na handa ang kanyang komite na maging secondary committee ni Legarda sakaling magpatawag ito ng public hearing sa iba’t ibang isyu na may kaugnayan sa pagtanggi ng China na tanggapin ang desisyon ng United Nations (UN) Arbitration Court na nagbabasura sa historical claim nito sa mga bahagi ng South China Sea.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sina Legarda at Honasan ay mga miyembro ng Senate majority bloc.

Hiniling ni opposition Sen. Riza Hontiveros, miyembro ng Senate minority bloc, kay Legarda na magdaos ng public hearing sa militarisasyon sa ilang bahagi ng Spratlys at pagnanakaw ng mga miyembro ng Chinese Coast Guard sa mga nahuling isda ng mga mangingisang Pinoy sa Panatag (Scarborough) Shoal.

Ang Shoal ay mahigit 200 nautical miles ang layo sa kanluran ng Zambales o mahigit 700 nautical miles mula sa silangan ng Hainan, ang teritoryo ng China sa dulong silangan.

‘’We will soon conduct a public hearing and I will work with my colleagues, including the Committee on National Defense and Security, in determining how best to support current initiatives to diffuse the tension, while at the same time protecting our sovereignty and territorial rights,’’ ani Legarda.

‘’I maintain the view that diplomacy plays a key role in finding long term and durable solutions to the West Philippine Sea (WPS) issue,’’ dugtong niya.

-Mario B. Casayuran