NILINAW ng Philippine Sports Commission (PSC) na wala silang kinalaman sa pagpili ng mga manlalaro o delegasyon na sasabak sa Asian Games sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang, Indonesia.

Ayon kay PSI National Director Marc Velasco, ang tanging papel ng PSC ay ang pagbibigay ng pondo para tugunan ang pangangailangan ng mga lalahok gaya ng hotel Accomodation, airfare, equipments, uniforms kasama na rin ang training ng mga ito bago pa man ang nasabing kompetisyon o mga exposures kung saang bansa sila maglalaro bago ang mismong quadrennial meet.

Ayon kay Velasco ang naging pahayag ng ahensiya hingil sa pagsabak ng women’s volleyball team sa Asiad ay batay sa ginawang ‘criteria’ ng dating Chief de Mission na si Julian Camacho.

‘Sa criteria para sa selection ng team member sa Philippine delegation sa Asiad, at least gold or silver medalist sa Sea Games o sa mas malalaking international competition,” sambit ni Velasco.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Hindi sa ayaw namin, sinabi namin ito ang criteria at base sa criteria, hindi sila kasama (volleyball),” aniya.

Napalitan ni Richard Gomez si Camacho matapos magbitiw ang huli dulot nang kabiguan ni Peping Cojuangco kay Ricky Vargas sa re-election sa POC. Ngunit, hindi naman umano binago ni Gomez ang criteria.

Naipahayag ni Gomez na nais niyang isama ang women’s volleyball bilang exposure sa team sa Asian Games. Sa nakalipas na SEA Games kumain ng alikabok ang koponan.

Dahil sa naipahayag ni Gomez, kaagad na nagbuo ng team ang LVPI

(Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc.) na binubuo nina Allyssa Valdez, Frances Xinia Molina, Charlene Cruz- Behag, Aleona Denise Santiago-Manabat, abigail Marano, Mary Joy Baron, Mika Aereen Reyes, Alyja Daphne Santiago, kim Kianna Dy, Kim fajardo, Julia Melissa Morado at Dawn Nicole Macandili.

-Annie Abad