Ang malaking populasyon ng bansa at ang kakulangan ng palayan ang ilan sa mga rason na pumipigil sa Pilipinas na maging self-sufficient sa bigas, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Huwebes.

Ito ang totoong pagtaya ng Pangulo sa sitwasyon ng rice supply sa bansa isang araw matapos ideklara na magpapatuloy ang importasyon ng bigas sa ilalim ng kanyang pamamahala.

“We should have been able to control the population commensurate to our resources but we did not. So until now, do not ever believe na we will be rice sufficient because there will never be a time na aabot ‘yan sa mundong ito,” ani Duterte sa pagtitipon ng mga mga opisyal ng barangay sa Sta. Rosa, Laguna nitong Huwebes.

“And the reason why I’m saying this is we cannot really maybe dream of sasabihin mo na self-sufficient. There ain’t no land anymore,” aniya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Ipinunto ni Duterte na maraming lupang sakahan ang naipagbili o nakasangla na para sa cash crop production at commercial use.

“Nobody plants because there are no more available arable lands for agriculture na pwede mong por hectare, por hektarya, lalagyan mo ng palay or even corn,” aniya.

“The fact is that most of the land there are geared towards cash crop not food crop,” dugtong niya.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na mag-aangkat na lamang ng bigas ang bansa dahil hindi ito maaaring maging rice sufficient. Sinabi ni Duterte na hindi siya naniniwala sa paniniwala ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na matatamo ng bansa ang rice sufficiency sa pagtatapos ng taon.

Binanggit niya na maraming lupain, kabilang sa Mindanao, ang ginamit na para sa cash crops na karamihan ay para sa export sa halip na food crops para matugunan ang pangangailangan sa bigas ng mga Pilipino.

“They want to produce from the land, which is really very fertile, gawaing cash crop. Meaning to say export —banana, pineapple, cacao, lahat na,” aniya.

-GENALYN D. KABILING