NAGSUMITE na ng pinal na listahan ng National Team ang World Archery Philippine Inc, para sa nalalapit na Asian Games sa Palembang Indonesia sa Agosto.

Kabilang sa mga magiging pambato ng bansa ay sina Nicole Marie Tagle , Amaya Paz-Cojuangco para sa Women’s, habang sina John Paul Marton de la Cruz , Earl Benjamin Yap, at si Joseph Benjamin Vicencio para naman sa men’s team.

Ayon kay WAPI sec-genreal Rosendo Sombrio, tanging ang mga nabanggit na manlalaro lamang ang siyang pumasa sa itinakdang criteria ng WAPI board upang makapamili ng mga atletang isasabak sa quadrennial meet.

“Sila lang ang mga nakapasa sa qualifying score na tinakda ng WAPI board na 640 points para sa women’s recurve, 650 sa men’s recurve, 680 sa women’s compound at 690- 700 sa men’s compound,” ani Sombrio.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Si Tagle na taga Dumaguete ay siyang pinakabata sa koponan sa edad na 16 at siya rin ang magiging pambato ng bansa para sa Youth Olympic Games sa darating na Oktubre na gagawin sa Buenos Aires sa Argentina.

Samantala, si Paz- Cojuangco naman ay sa isang event lamang makakasali, ang mixed-doubles gayung walang invidual event para sa compound.

-Annie Abad