Apat na heneral ng pulisya sa National Capital Region (NCR) ang binalasa ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde.

Itinalaga ni Albayalde si Chief Supt. Gregorio Lim bilang acting district director, kapalit ni Chief Supt. Amando Empiso, ng Northern Police District (NPD).

Ipinuwesto naman nito si Chief Supt. Alfred Corpus bilang district director, kapalit ni Chief Supt. Reynaldo Biay, ng Eastern Police District (EPD).

Ayon kay Albayalde, bahagi lamang ito ng kanyang agenda upang maayos ang kanilang hanay at upang “keep the right people in the right positions.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Inilipat nito si Empiso sa dating posisyon ni Lim bilang deputy regional director for operations ng National Capital Region Police Office (NCRPO), habang itinalaga rin nito si Biay sa dating assignment ni Corpus bilang deputy director for the Directorate for Intelligence (DI).

Matatandaang sinimulan ni Albayalde ang unang malawakang pagbalasa sa PNP organization, partikular na sa NCRPO, nitong Hunyo 1.

-Martin A. Sadongdong