Hindi maaaring makaupo sa puwesto ang sinumang nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections kung may kinakaharap pang petition for disqualification.

Ang pahayag ay inilabas ni Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez, dalawang linggo bago manungkulan sa puwesto ang mga bagong halal na opisyal sa Hunyo 30.

Partikular na binanggit ni Jimenez ang petisyong humihiling para makansela ang certificate of candidacy (COC) ng nanalo.

Alinsunod, aniya, sa Comelec Resolution No. 10196, ang kandidato sa SK ay hindi dapat bababa sa 18 anyos at hindi lalagpas sa 24 na taong gulang noong araw ng eleksiyon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sa ilalim naman ng Local Government Code of 1991, pinapatawan ng diskuwalipikasyon na tumakbo sa halal na posisyon ang sinumang napatalsik sa puwesto dahil sa kasong administratibo.

Hindi rin pinapayagang maupo ang mga halal na lokal na opisyal na nakapagsilbi na ng tatlong magkakasunod na termino sa posisyon.

-Mary Ann Santiago