Nilinaw kahapon ng isang opisyal ng grupong Kalipunang Damayang Mahihirap (Kadamay) na wala silang balak okupahin, at sa halip ay binantayan lang nila ang mga bakanteng pabahay sa Barangay San Isidro sa Rodriguez, Rizal.

Ito ay sa kabila ng pagsugod ng daan-daang miyembro ng Kadamay sa komunidad nitong Miyerkules, na ang ilan ay nakapanayam pa sa telebisyon at sinabing inakala nilang magkakabahay na sila nang araw na iyon.

Ayon kay Kadamay National Chairperson Gloria “Ka Bea” Arellano, binantayan lang nila ang mga pabahay sa Rizal nang malaman nilang marami nang pumapasok doon na dumadaan na local government units (LGUs) at National Housing Authority (NHA) at sinabing ipinapangalan na sa ibang benipisyaryo na hindi miyembro ng Kadamay.

“Ang sinasabi nila, hindi pa tayo kinakausap ng NHA baka naman tayo ay mauubusan (ng pabahay),” paliwanag ni Arellano.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nilinaw naman ng NHA na ang mga naturang pabahay ay nakalaan para sa mga pulis at mga sundalo, na buwan-buwang nagbabayad ng amilyar sa pamahalaan.

-Mary Ann Santiago